Ads 468x60px

Alamat ng Kodla ng Ifugao


Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo
ng “The Origin of the Ifugao Kodla”
Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat at Bugan. Sila ay masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop. Isang araw lumabas si Cabigat upang mamasyal na karaniwag isinasagawa sa mga kalapit na nayon. Habang sila’y wala, inilabas ng kanyang asawang si Bugan ang kanyang panghabi upang humabi ng isang tapis. Noong dakong hapon, isinampay niya ang natapos na tapis sa silong ng bahay. Sila,y nagbayo ng palay para sa hapunan at agahan.

Si Mangita at si Larina (Alamat)


MARAMING taon na ang nakaraan mula nuong namahay sa mga pampang ng Laguna de Bai ang isang mahirap na mangingisda ( pescador, fisherman). Nabalo nang namatay ang asawang babae, siya na lamang ang tanging nagpalaki sa 2 nilang anak na babae, sina Mangita at Larina. Kapwa napaka-ganda ng 2 anak.

Si Mangita ay kayumangging kaligatan at ang buhok niya ay kulay ng hatinggabi (medianoche, midnight). Mapag-bigay siya at mahal ng lahat ng kakilala dahil mabait. Tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagtahi sa mga lambat ( fishnets) at sa pagbigkis ng mga sulu (torches) - kapwa gamit sa pangingisda gabi-gabi. At araw-araw naman, ang matamis niyang ngiti (sonrisa, smile) ang siyang nagpapaliwanag sa munti nilang kubo (cabaƱa, hut).

Alamat ng Tandang

Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang baranggay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng baranggay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang.mga baranggay.
 

Mission

Our mission is to create an open, constructive learning environment where diverse tutoring techniques address individual academic needs. We empower students to become confident, effective, and independent learners, equipping them with essential skills in an atmosphere that fosters growth, resilience, and a lifelong love for learning.

Vision

A transformative institution, delivering quality tutoring services that guarantee academic success, positively impacting the world child by child.